Color Control ng Flavors & Fragrances

By | 09/11/2018

Color Control ng Flavors & FragrancesAng mga Flavors at fragrances ay ginagamit sa processed food, personal at mga produktong consumer care. Sa pagtaas ng demand sa mga produktong ito ay siya ring pagtaas ng produksyon ng consumer goods na ito na nagpapataas din ng pagamit ng flavor and fragrance ingredients.

Upang ma meet ang mataas na panlasa ng mga consumer sa mahusay na kalidad ng isang produkto kinakailangan din ng isang mahusay na pamamaraan sa pag produce ng mga flavors and fragrances. Ang mga flavors at fragrances ay tinetest unang una sa kanilang lasa at amoy ngunit meron ding isang test parameter kung saan ay unti unting nagiging kritical sa pagdaan ng panahon – ito ay ang color test.

Isang mahalagang emphasis ang ibinibigay ng isang consumer sa appearance ng isang produckto “unconsciously”. Isang judgement kung saan mas kinukunsidera muna ang kulay bago sa lasa at amoy at syang nag iindicate ng quality ng isang produkto. Ang color quality ng isang produkto ay na mamaintain ng mga technologists sa pamamagitan ng color tests sa laboratory at sa gayon ay magkaroon ng tinatawag na color consistency.

Dahil ang mga flavors and fragrances ay kalimitang aqueous at konting volume lang ang ginagamit, madalas na transmittance mode of measurement ang ginagamit na color instrument.

Ang Konica Minolta Spectrophotometer model CM-5 ay isang instrument kung saan kayang mag measure ng color ng transparent at semi-transparent materials. Kaya rin nitong mag continuous measurement sa isang production line na gamit ang flow cell, cell holder at auto sampler system.

Available din ang mga accessories na para sa CM-5 na para sa mga maliliit na volume ng liquid samples. Ang 10 mm Cell Measurement Set ay ginawa para sa mga kakaunting samples at dinisenyo upang mapababa ang cost of sampling. Ang accessory na ito ay ginagamit para sa Gardner Indices, isang common na index na ginagamit upang ma quantify ang liquid samples mula light yellow hanggang dark brown color tone na madalas nakikita sa flavors and fragrances industry.

Ang mga kulay ng semi-finished products kagaya ng gel at paste sa transparent, translucent at opaque forms ay maari ring ma measure sa CM-5. Ang mga samples ay inilalagay sa specially designed na petri dish, tube cells, mini petri dish, retaining ring at cell holder para sa madaling pagamit.

Kung nais nyo ng dagdagan na kaalaman ukol sa mga test na specific sa inyong pangangailangan at kung paano sya gagawin maari kayong umawag sa (02) 8334440 or (02)5792214 or email us at info@colorapplications.com

Leave a Reply