Marami sa atin ay namimislead ang ating sense ng panlasa sa ating sense ng paningin.
So bakit nga ba naloloko ang ating taste buds ng ating mga mata? Nakaapekto sa Persepsyon ng Pagkain ang Kulay. Expected natin na ang ating pagkain ay pareho ng lasa sa ating nakikita. Kaya kapag ang kulay ng pagkain ay iba sa expected nating lasa, magdidikta ang utak natin na iba ang lasa ng pagkain na ito. Base sa pag aaral ng mga scientists, tayo bilang mga consumers ay nag jujudge ng quality ng pagkain base sa kulay na ultimately nag iidentify ng lasa at magiging basehan upang bilhin ang produkto.
Ang ating taste buds ay ang nag dedetermine ng apat na basic tastes – sweet, salty, sour at bitter. Magbibigay ng signal ang ating taste buds papunta sa ating utak upang iinterpret ang flavor. Subalit, bago natin kainin ang ating pagkain ay titingnan muna natin ito pagkatapos ay magdadala ng signal sa ating utak upang mag interpret ng lasa nito bago pa nating actually kainin ang pagkain. Kaya ang lasa ng pagkain ay predetermined na base sa kulay at tingin ng kakain bago pa man talagang kainin ito. Dagdag pa dito ang pagcontrol sa kulay flavor at fragrances ay kasama ring nagiging kritikal sa pagpapataas ng kalidad sa pagawa ng processed food.
Ang mga tao ay ina associate ang kulay ng pagkain sa lasa nito. Isang halimbawa ay ang black color, ang expected ng tao sa kulay na ito ay mapait or bitter, ang mga bright colors naman kagaya ng yellow ay perceived na sweet or sour. Ang red color naman ay usually spicy ang ineexpect na lasa.
Sa mga fresh foods naman, kagaya ng prutas at gulay , dumedepende tayo sa kulay upang malaman kung gaano kahinog or ka fresh ito. Kaya kung ang prutas o gulay ay hindi umaayon sa ineexpect nating kulay , psychologically iba ang mapeperceive natin na lasa at flavor nito.
Liban sa kulay, ang presentation ng pagkain ay may epekto rin sa ating perception ng lasa at flavor ng pagkain. Sa isang research na ginanap, tinanong ang mga participants na I rate ang flavor ng isang kape na inilagay sa tatlong magkakaibang mug – white, blue at clear. Lumabas sa resulta na ang white mug ang may pinaka intense at bitter na lasa kumpara sa parehong kape na inilagay sa blue at clear na mugs.
Sa isa pang pagaaral, ang kulay ng plato ay nagpakita rin ng influence sa lasa ng pagkain. Halos lahat ng participants ay nagsabi na ang mousse na nasa white plate ay mas matamis kaysa sa nakalagay sa black plate.
Ang role ng kulay sa perception natin sa lasa ng pagkain ay matagal ng pinagaaralan at sinasaliksik ng mga food companies upang mas maintindihan nila ang consumer behavior at kung paano makakaapekto sa kanilang produkto. Ang mga food companies na ito ay ginagamit ang psychological effect na ito para sa kanilang bentahe. Idinadagdag ang food color sa mga processed, packaged at kahit sa fresh na pagkain upang ma enhance ang impresyon ng consumer sa lasa at kalidad ng mga pagkain na ito.
Ang pagiging consistent sa product color ay indication ng quality ng isang brand o product. Para sa color measurements, chroma meters and spectrophotometers ay recommended.
Para sa additional information about light and color measurement, you can contact us at (02) 8334440 or (02)5792214 or email us at info@colorapplications.com